Patuloy na inaalam ng Philippine National Police-Scene of the Crime Operatives (PNP-SOCO) ang identity ng anim na drug suspect na napatay sa buy bust operations sa Rizal kaninang alas-8:30 ng umaga.

Ayon kay Rizal Police Provincial director S/Supt. Lou Evangelista, matagal nang minamanmanan ang nasabing grupo hanggang sa nagkaroon ng magandang tiyempo sa Barangay San Jose at isinagawa ang buy bust laban sa mga suspek.

Sinasabing nanlaban sa mga operatiba ang mga nasawing suspek.

Nakuha sa pinangyarihan ng buy busy operation ang 50 gramo ng iligal na droga na nagkakahalaga aniya ng P100,000.

Wala namang naitalang sugatan o nasawi sa panig ng mga pulis.