-- Advertisements --
Arestado ang anim na katao sa isinagawang anti-drug operations ng PNP sa Novaliches, Quezon City.
Kasamang naaresto ang target ng operasyon na si alyas Boss na kilalang tulak ng droga sa lugar.
Ikinasa ng Quezon City Police District Station 4 ang operasyon nitong Miyerkules ng gabi matapos na makumpirmang nasa lugar ang suspek.
Nakuha sa kanila ang ang ilang plastc sachet na naglalaman ng hinihinalang iligal na droga na nagkakahalaga ng P50,000.