Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) sa kumalat na larawan na isang patrol ng PNP na walang nakakabit na license plate.
Sa kumalat na larawan ay nakita ang sasakyan na may markang Police Security and Protection (PSPG) sa kahabaan ng Commonwealth, Quezon City nitong araw ng Linggo.
Ayon sa PNP na kanilang kinukumpirma na ang sasakyan ay nakatalaga sa PSPG.
Subalit aniya na dapat ay sumunod din dapat ang nasabing sasakyan sa mga panuntunan na may kinalaman sa vehicle identification at tamang paglalagay ng plaka.
Nakilala na ang mga personnel na lulan ng sasakyan at nagsasagawa na na sila ng internal investigation ukol sa insidente.
Maaring maharap sa kaso ang mga sangkot na kapulisan dahil sa nasabing paglabag.
Nagpasalamat din ang PNP sa publiko dahil sa pagiging vigilant kung saan kanilang dapat isumbong ang kanilang negatibong puna sa kapulisan.
















