Arestado ang anim na katao dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa Paco, Maynila.

Sa bisa ng search warrant isinilbi ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP, naaresto ang target ng operation na si alyas Mayla at mga kasamahan nito.

Sinabi ni PDEA Special Enforcement Service Director Levi Ortiz, nagsumbong sa kanila ang 17-anyos na biktima dahil ginagawang drug-runner ang kaniyang 14-anyos na kapatid.

Maging ang kanilang bahay ay ginagawang drug-den kaya ikinasa nila ang operasyon, gabi ng Huwebes.