MANILA – Higit 9,000 bagong kaso ng COVID-19 pa rin ang iniulat ng Department of Health (DOH) ngayong araw ng Martes, March 30.
LOOK: DOH reports 9,296 new cases of COVID-19. This is this the 5th straight day that the Philippines recorded more than 9K new cases.
— Christian Yosores (@chrisyosores) March 30, 2021
Total increases to 741,181. Active cases, 124K. Nine labs weren't able to submit their data yesterday. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/iDC9Kafx8v
Batay sa pinakabagong case bulletin ng ahensya, aabot sa 9,296 ang nadagdag na new cases. Kaya sumipa na sa 741,181 ang total cases o tinamaan ng COVID-19 sa buong bansa.
“9 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on March 29, 2021.”
Pumalo na rin sa higit 20% ang positivity rate o bilang ng mga nagpo-positibo mula sa populasyong tinest sa COVID-19 nitong Lunes. Ayon sa DOH, may 30,518 na nagpa-test sa coronavirus kahapon.
Ayon sa World Health Organization, 5% ang benchmark sa positivity rate ng COVID-19.
Samantala, record-high naman ang total ng active cases na nasa 124,680, bagamat 96% ng mga ito ang mild cases at 2.3% ang asymptomatic.
Wala pa sa 1% ang mga kritikal, severe, at moderate cases.
Nasa 603,310 na ang gumaling mula sa nakahahawang sakit matapos madagdagan ng 103 new recoveries.
Habang lima ang nadagdag para sa total na 13,191 deaths.
“9 duplicates were removed from the total case count. Of these, 5 are recoveries. Moreover, 1 case that was previously tagged as a recovery was reclassified as a death after final validation.”
Kung hihimayin ang datos ng DOH, ngayon ang ikalimang sunod na araw na nakapagtala ang Pilipinas ng higit 9,000 bagong kaso ng COVID-19.
Sampung araw na ring nagre-report ang Health department ng higit sa 7,000 new cases ng coronavirus.
Sa pagtataya ng independent group na OCTA Research, posibleng umabot ng 11,000 ang bilang new cases bukas, March 31, kung patuloy na dadami ang mahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas.