-- Advertisements --
NAPOLCOM

Sinampahan na ng National Police Commission at Philippine National Police ang nasa 50 mga pulis na sinasabing may pagkakasangkot sa nangyaring 990KG biggest drug haul sa Tondo, Manila noong Oktubre noong nakaraang taon.

Ito ang inihayag ni Napolcom Chairperson at DILG Sec. Benjamin Abalos Jr. sa ginanap na pulong balitaan ngayong araw sa dilg napolcom center sa bahagi ng quezon city.

Ayon kay Abalos, noong Biyernes ay naghain na ng mga kasong kriminal ang Napolcom at PNP sa Office of the Ombudsman laban sa naturang mga pulis matapos ang isinagawang mabubusising imbestigasyon ng dalawang ahensya hinggil sa nasabing kaso.

Kabilang sa mga kasong kinakaharap ng mga ito ay ang paglabag sa Republic Act (RA) 3019 or the Anti-Graft and Corrupt Practices Act; RA 9165 or the Dangerous Drugs Act as amended; Revised Penal Code, in particular, Article 171 on Falsification, Article 183 on Perjury, Article 184 on False Testimony and Article 217 for Malversation of Public Property; and Presidential Decree No. 1829 or Obstruction of Justice.

Paglilinaw ni Abalos, mula sa 50 mga pulis na respondents sa criminal case na kanilang isinampa sa Ombudsman, 48 sa mga ito ang nakita sa CCTV footage sa harap ng lending firm ni dating PMSG Rodolfo Mayo Jr. na una na nilang inilabas, habang nasa ang natitirang dalawa naman ay nakasuhan nang dahil sa umano’y conspiracy ng mga ito batay na rin sa mga sinumpaang salaysay ng iba pang sangkot na pulis na hindi muna kinilala ng mga kinauukulan.

Dagdag pa ni Abalos, bukod sa criminal charges ay nagsasagawa na rin ngayon ang Napolcom ng mga administrative proceedings kung saan nakumpleto na nila ang kanilang pre-charged investigation laban sa 48 mga PNP officers na nasapul sa naturang CCTV footage.

Paliwanag niya, kabilang naman sa mga formal charges na posible ring maisampa laban sa mga ito ay ang Grave Misconduct, at Grave Neglect of Duty na parehong posibleng maparushan ng pagkakasibak mula sa serbisyo at gayundin ng forfeiture ng kanilang mga benepisyo.

“I just want to make this very clear at ito ay 2, criminal cases na finile with the Office of the Ombudsman at yung sumunod naman dito ay admin case na ngayon ay ongoing. So siguro matatapos sila dito mga 2 weeks or 15 days from now. Doon nga malalaman kung yung mga nasa serbisyo kung sila ay masususpinde, madidismiss, marereprimand. Kung madagdagan ito I doubt it. Siguro halos talagang masusing pinag aralan talaga ito ay kinull hindi lamang sa pagsisiyasat ng Napolcom, pati na rin ang SITF dati ng PNP at yun ngayon. So talagang pinagsama na ito” ani DILG Secretary Benjamin Abalos Jr.

Ang naturang 50 mga police officers na sinampahan ng kasong kriminal ng PNP at Napolcom sa Ombudsman ay kinabibilangan ng 12 police commissioned officers kung saan kasama pa sina dating Deputy Chief for Operations PLGEN Benjamin Santos Jr., dating PNP Drug Enforcement Group Director PBGEN Narciso Domingo, PCOL Julian Olonon, at iba pa.

Habang aabot naman sa 38 non commissioned officers ang kasama rin sa mga sinampahan ng kaso kabilang na si PMSG Rodolfo Mayo Jr.

Ayon kay Napolcom Vice Chairperson and Executive Officer Atty. Alberto Bernardo, posibleng madagdagan pa ang mga kasong isinampa laban sa nasabing mga pulis o madagdagan pa mismo ang bilang ng mga pulis na posibleng sangkot sa nasabing krimen depende sa magiging takbo ng paggulong ng kaso at ng kanilang ginagawang imbestigasyon.

“Maaring magkaroon pa ng additional na mga charges o kaya maging additional na mga person or complaint na maging respondent kasi mababatid na hindi nila nais gawin ang mga bagay na ito sila ay napag-utusan lamang, mabibigyan din sila ng pagkakataon magpaliwanag kaya ating hihikayatin na humarap din sila s Ombudsman, filan din namin sila ng criminal complaint para magkaroon ng pagkakataon magpaliwanag,
ito ba talaga ay inutos nila o hindi, it oba alibi lamang kaya tuloy-tuloy ito habang may lumalabas na mga ebidensya, makatityak kayo na ebidensya klamang ,sinumpaang salaysay at mga papeles na nagmula sa
iba ibang sangay ng pamahalaan ang gagamitin natin.”
paliwang niya.

Kung maaalala, noong Abril ng taong kasalukuyan unang iniulat ni Abalos ang isang CCTV video na nagpapakita ng pagkakaiba sa pagitan ng aktuwal na pangyayari pag aresto kay Mayo kumpara sa isinumiteng salaysay ng mga sangkot na opisyal sa kontrobersyal na 990kg biggest drug haul sa Maynila na may katumbas na P6.7 billion na halaga ng shabu na ikinasa noong Oktubre 8 noong nakalipas na taon.

Kaugnay nito ay muli ring iginiit ni Abalos na itataguyod ng Napolcom ang ikabubuti para sa kapulisan kasabay ng layuning linisin mula sa katiwalian ang buong hanay nito para na rin sa kaligtasan ng buong bansa.