-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO — Umaabot sa 50 na preso sa Sultan Kudarat District Jail ang nabigyan ng National Certificate (NC-2) nang magtapos sila sa programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA-12).

Ayon kay TESDA-12 Regional Director Rafael Abrogar, ibinigay ang pagsasanay sa mga bilanggo lalo na sa mga malapit nang lumaya.

Itoy paghahanda sa mga preso sa kanilang paglabas at makahanap agad ng trabaho.

Sinanay ang mga inmates ng TESDA sa carpentry at food processing.

Nabigyan ng NC-2 certification sa carpentry ang 25 na lalaking preso habang 25 na babae naman ang nabigyan ng NC-2 sa food processing.

Nilinaw ni Abrogar na hindi lamang sa mga bilanggo nagbibigay ng training ang TESDA ngunit pati na rin sa mga rebelde na nagbalik-loob sa gobyerno, drug dependents, persons with disabilities, overseas Filipino workers at iba pa.