-- Advertisements --
Pormal ng nanumpa si General Nicolas Torre bilang bagong MMDA General Manager kapalit ni Procopio Lipana.
Ginawa ang panunumpa sa Malakanyang na pinangunahan ni Executive Secretary Ralph Recto.
Bago ito ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang appointment paper ni General Torre bilang GM ng MMDA nitong nagdaang Disyembre 19, 2025.
Ito rin ang araw na kinumpirma ng Malacañang ang kanyang pagtatalaga sa nasabing posisyon.
Bilang bagong MMDA general manager, inaasahang kakaharapin ng heneral ang hamon sa matinding trapik sa Metro Manila.
Kasama na dito ang pagpapatupad ng disiplina sa kalsada, problema sa baha at maayos na koordinasyon sa mga LGU.










