Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araaw ang taunang “Pamaskong Handog Mula sa Pangulo,” bilang pasasalamat sa mga tagasuportang patuloy na tumatayo at sumusuporta sa pamilya Marcos sa loob ng maraming taon.
Kasama ng Pangulo si First Lady Louise Araneta-Marcos at ang kanilang mga anak na sina House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, Joseph Simon, at William Vincent Marcos sa pagho-host ng year-end celebration para sa humigit-kumulang 2,000 miyembro ng Friends of Imelda Romualdez Marcos (FIRM) na pinamumunuan ng Founding President na si Artemio Lachica.
Idinaos ang pagtitipon sa Rizal Park Open Air Auditorium sa Ermita, Maynila, kung saan binigyang-diin ng Pangulo ang matagal at matibay na samahan ng kanilang pamilya at ng mga tagasuporta.
Pinasalamatan ng Pangulo ang mga FIRM members na kahit papaano ang napakatagal nilang pagsasama ay hindi naman napapatid at patuloy nanagkakaisa.
Ayon pa sa Pangulo, saan man siya magpunta sa bansa ay palagi niyang nararamdaman ang suporta ng kanilang mga tagasuporta, na aniya’y may natatanging lugar sa puso ng pamilya Marcos.
Siniguro ng Pangulo sa mga ito na hindi nakakalimot ang pamilya Marcos.
Bilang pasasalamat, naghandog ang Pangulo at ang First Family ng simpleng salu-salo at Pamaskong Handog para sa mga dumalo.










