-- Advertisements --
Aabot na sa 50 percent ng eligible population sa Metro Manila ang fully vaccinated na kontra COVID-19, ayon kay Metro Manila Council and Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.
Nasa 70 percent naman ng tinatayang 10 million adult population sa National Capital Region (NCR) ang naturukan ng first dose.
Tuloy-tuloy pa rin aniya ang kanilang pagbabakuna gamit ang 4 million COVID-19 vaccine doses na ibinigay ng national government.
Sa kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ) period sa Metro Manila mula noong Agosto 6 hanggang ngayong Agosto 20, sinabi ni National Task Force against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon na 3.2 million vaccine doses ang naiturok sa rehiyon.