Nagsagawa ng inspeksyon ngayong araw ang Department of Trade and Industry sa ilang pamilihan sa lungsod ng Maynila hinggil sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Personal itong inikot ni DTI Secretary Maria Cristina Roque kasama sina Department of Agriculture Assistant Secretary Genevieve Guevarra at Manila City Admin. Atty. Wardee Quintos XIV.
Ayon sa kasalukuyang kalihim ng DTI, base sa kanilang naging pag-iikot ay pasok naman aniya sa price range ng kagawaran ang presyo ng mabibiling mga isda at karne.
Ngunit sa inspeksyon nila’y natuklasan na ang ilang presyo ng mga gulay ay nagkaroon ng pag-angat.
Bagama’t may napansin na pagtaas sa presyo, ibinahagi ni DTI Sec. Roque na normal lamang ito kasabay ng pagdaan ng malalakas na pag-ulan o bagyo kamakailan.
Habang ininspeksyon din nila ang ilang mga supermarket sa Quiapo, Maynila.
Kung saa’y nakitang mas mababa ang presyo ng mga pangunahin bilihin kumpara sa naunang inilabas na suggested retail prices (SRP’s) ng DTI.