CENTRAL MINDANAO-Opisyal nang matitirahan ang 50 units na “bagong bahay bagong buhay” para sa 50 pamilya ng Barangay Buenavida Makilala North Cotabato.
Ang 50 bahay ay bahagi ng Salamat Gawad Kalinga na naging kaagapay ng gobyerno para mamahagi ng tulong at pagasa sa mga kababayan nating nasalanta noong nakaraang lindol.
Naging matagumpay ang programang ito dahil sa pagtutulungan ng Barangay council ng Buenavida, Local Government of Makilala, Office of the Representative 2nd district of Cotabato, 39 IB PA, Gawad Kalinga at ng Provincial Government sa pamumuno ni Governor Nancy Catamco na todo pasasalamat sa proektong pabahay.
Ang house painting activity ay ang simbolo ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga sangay ng gobyerno, grupo at indibidwal para sa adhikaing tulungan ang bawat isa, kaagapay ang davies paint sa pagpapakulay ng mga kabahayan ng mga benepisyaryo ng Gawad Kalinga Village project.
Ang programa ay pinasinayaan nila Brgy. Captain Jaime Taguibalos, Noel Griño GK team leader, Ryl Jhen Caoagdan, Manoling Lalaguna MA, Gawad Kalinga Tagabawa, mga hanay ng Kapulisan at ng 39 IB Philippine Army.