LAOAG CITY – Isiniwalat ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta na umabot sa 50 judges ang kailangan sa bagong batas na tinatawag na “Judges at large” o roving judges.

Sinabi niya na ang 50 huwes ay maidedestino sa Luzon, Visayas, Mindanao at sa Metro Manila para punan nila ang mabakanteng pwesto ng mga magretiro sa rehiyon.

-- Advertisement --

Ayon pa kay Peralta, kasalukuyan nilang ipino-proseso ang application ng mga aplikante pero aminado itong medyo matagalan dahil ang daming documento na kailangang isumite sa civil service commission.

Tiniyak na prayoridad nilang punan lahat ng bakanteng posisyon sa lahat ng korte sa buong bansa ngayong taon.