AFP operations in Maguindanao against BIFF group (file photo)

CENTRAL MINDANAO – Limang Semba armored carrier ng Joint Task Force Central ng militar ang nawasak umano sa engkwentro laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mamasapano, Maguindanao.

Ito ang iginiit ng tagapagsalita ng BIFF na si Abu Misry Mama.

Limang tangke raw ng mga sundalo ang tinamaan ng 90rr at RPG-2 na pinaputok ng BIFF.

Inamin naman ni Mama na may nasawi at nasugatan sa kanilang hanay nang tamaan ng 105mm Howitzers cannon.

Sinagot naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division spokesman Major Arvin Encinas na propaganda lamang ito ng BIFF at gawa-gawa lamang.

-- Advertisement --

Pinalakas lamang ni Mama ang loob ng kanyang mga kasamahan dahil humihina na ang pwersa nito at marami na ang nalagas sa mga rebelde.

Ani Encinas hanggat nariyan daw ang BIFF na naghahasik ng gulo lalo na sa mga sibilyan ay hindi sila titigilan ng Joint Task Force Central sa pagtugis lalo na sa probinsya ng Maguindanao.