Reading Time: 1 minute

Nilalapatan na ng lunas ang limang sakay ng Philippine Rabbit bus na nahulog sa tulay sa North Luzon Expressway (NLEX).

Ayon kay NLEX Traffic Manager Robin Ignacio, nangyari ang insidente kaninang umaga sa area ng San Fernando, Pampanga.

Mabilis namang nakaresponde ang mga tauhan ng expressway dahil dalawang kilometro lang ang layo nito sa NLEX northbound exit.

Samantala, pumasok na rin ang pulisya sa pag-iimbestiga sa pangyayari, upang mabatid ang sanhi ng pagkahulog ng bus sa tulay.