Nagdeklara na ng full alert status ang Philippine National Police (PNP) sa lima nitong Police Regional Offices (PRO) sa buong bansa.

Sa inilabas na memorandum na pinirmahan ni PNP Directorate for Operations Maj. Gen. Emmanuel Licup, isinailalim na sa full alert status ang mga sumusunod na regional police offices:
National Capital Region Police Office
Police Regional Office 3
Police Regional Office 4A
Police Regional Office 4B at
Police Regional Office 5

Nilinaw naman ni Licup na maaari namang magtaas ng alerto ang iba pang mga Police Regional Offices, pero depende ito sa kung gaano kalala ang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Kagabi, itinaas na sa Code Red Level 2 ang alerto ng bansa dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 base sa naging rekumendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease.