white island
White Island volcano

Nasa limang katao ang patay habang 23 ang nailigtas matapos ang pagputok ng bulkan sa New Zealand.

Karamihan sa mga nailigtas ay nagtamo ng malaking pagkapaso sa katawan ng mga nito.

Umaabot kasi sa 50 katao ang nasa isla noong nangyari ang insidente.

Dinadayo kasi ang White Island Volcano kaya maraming mga turista noong ito ay nag-alburuto.

Tinatawag ito na Whakaari na siyang itinuturing na most active volcano ng bansa.

Makailang beses ng sumabog ang bulkan ang pinakahuli ay noong 2016.