-- Advertisements --
Patay ang limang katao matapos ang pagbagsak ng helicopter sa Mount Kilimanjaro sa bansang Tanzania.
Ayon sa Tanzania Civil Aviation Authority na patungo sa isang medical mission ang sakay ng helicopter ng ito ay bumagsak malapit sa Barafu Camp.
Ang mga biktima na lulan ng helicopter ay kinabibilangan ng doctor, tour guide, piloto at dalawang dayuhang turista.
May taas ang Mount Kilimanjaro na 6,000 meters above sea level kung saan naganap ang pagbagsak ng helicopter sa may 4,700 meters.
Kada taon ay mayroong 50,000 turista ang bumibisita sa Mount Kilimanjaro.















