-- Advertisements --

Itinuturing na na ng kumpanyang OceanGate na ang mga lulan ng submersible ay patay na.

Ito ay dahil sa pinaniniwalaang naubos na ang suplay ng oxygen ng nasabing sasakyan na nawawala mula pa noong araw ng linggo.

Sa inilabas na pahayag ng kumpanya ay nakikiramay sila sa mga kaanak ng limang pasahero ng sasakyan.

Kinabibilangan ito nina Stockton Rush ang 61-anyos na CEO ng OceanGate, ganun din ang British-Pakistani businessman Shahzada Dawood,48-anyos at anak nitong 19-anyos na si Suleman, at ang 58-anyos na negosyanteng Briton na si Hamish Harding.

Kabilang din sa pasahero ay si Paul-Henry Nargeolet, 77-anyos na dating French navy diver at kilalang explorer.

Sinabi ni Rear Adm John Mauger ng US Coast Guard na ang natagpuan nilang debris ay maaring galing sa nawawalang Titan submersible.

Bukod sa US ay nagtulong-tulong na ang ibang bansa para mahanap ang nawawalang submersible gaya ng coast guard mula sa Canada, British at France.