-- Advertisements --
Inabisuhan ng Philippine General Hospital (PGH) ang publiko na sarado ang ilang mga clinic nila ngayong Agosto 26.
Kasunod ito sa pagsuspendi ng pasok sa gobyerno dahil sa inaasahang matinding pag-ulan.
Ang mga clinic ay kinabibilangan ng Outpatient Department, Cancer Institute at Sentro Oftalmologico Jose Rizal.
Lahat aniya ng mga may appointments ay bibigyan ng bagong schedule na makikita sa Online Consultation Request & Appointment System.
Magugunitang kinansela ng Department of Interior and Local Government ang pasok sa paaralan at gobyerno dahil sa inaasahang epekto ng malakas na pag-ulan dulot ng Low Pressure Area at Habagat.