-- Advertisements --

Nakumpleto na ang mga medical diagnostic procedures at assesment kay dating House Speaker Martin Romualdez.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) na base sa inilabas medical bulletin ng kaniyang mga doctor, na kasalukuyang ginagamot si Romualdez sa mga sakit nito kabilang ang cardiac issue at pagtaas ng kaniyang blood pressure.

Nagpulong na rin ang mga doctors mula sa PNP General Hospital at mga doctor ng mambabatas sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City para suriin ang kaniyang kondisyon at makita ang resulta ng isinagawang diagnostics.

Dagdag pa ng PNP na kanilang ikikonsidera ang mga medical findings mula sa pribadong pagamutan kung saan naka-confine si Romualdez.

Mula pa kasi noong Setyembre 7 ay naka-confine na si Romualdez sa pagamutan at ito ay patuloy na sumasailalim sa gamutan.

Bahagi rin ng konsiderasyon na isinagawa ng mga doctor ng PNPGH para sa hirit nila na mailipat na sa kustodiya nila ang mambabatas.