PALARONG PAMBANSA
Palarong Pambansa 2019

DAVAO CITY – Nai-deploy na ang mga security forces ng Davao para sa Palarong Pambansa 2019 na nakatakdang simulan ngayong Abril 27 hanggang Mayo 4.

Karamihan sa nasabing mga laro ay isasagawa sa Davao City UP Sports Complex.

-- Advertisement --

Napag-alaman mula kay Davao City Police Office (DCPO) spokesperson, Captain Teresita Plaza Gaspan, umabot sa 5,000 mga pulis at mga kasapi ng Task Force Davao (TFDavao) ang kanilang inilatag upang siyang magbantay sa mga delegado at mga atleta sa loob ng billeting quarters sa Bago Oshero at mga lugar na pagsasagawaan ng mga laro.

Binigyang linaw ni Gaspan na hindi naapektuhan ang deployment ng mga pulis sa mga pampublikong mga lugar at pinahigpitan pa nila ang kanilang intelligence monitoring.