Reading Time: 1 minute
DND Sec Delfin Lorenzana
DND Sec. Delfin Lorenzana/ FB post

Limang heneral ang pinagpipilian ng Pangulong Duterte para maging susunod na AFP Chief of staff.

Ito ang mensahe na ipinadala ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa isang text message kaugnay ng napipintong pagreretiro sa serbisyo ni AFP Chief of Staff General Benjamin Madrigal sa darating na September 24,2019.

Tumanggi naman si Lorenzana na ibinunyag ang mga pangalan ng mga kandidato para sa pinakamataas na pwesto ng militar.

Ayon sa kalihim kanila itong ilalahad sa darating na mga araw.

Una ng sinabi ni AFP Spokesperson BGen. Edgard Arevalo na mga seasoned 3 star generals ang inirekumenda ng Board of Generals.

Pero una nang sinabi ni General Madrigal na ang lahat ng 3-star rank o mga lieutenant general ay kwalipikado sa posisyon.

Hindi rin tinukoy ni Madrigal ang kanyang napupusuan na pumalit sa kanya at sinabing hindi naman siya ang magrerekomenda sa Pangulo.