-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Nakapagtala ng limang bagong kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa lalawigan ng Aklan, batay sa resulta na inilabas ng Philippine Genome Center sa pamamagitan ng Provincial Health Office (PHO)-Aklan nitong Setyember 14, 2021.

Tatlo sa mga pasyente ay nagmula sa bayan ng Banga habang ang isa iba pa ay taga bayan ng Ibajay na pawang gumaling na.

Binawian naman ng buhay ang isa pang pasyente na 58-anyos na lalaki na taga-Ibajay dahil sa komplikasyon sa sakit.

Agad namang inabisuhan ng PHO-Aklan ang kaukulang local government units na magsagawa ng contact tracing sa mga nakasalumha ng limang kumpirmadong kaso ng Delta variant.

Sa kabuuan, umabot na sa 27 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng Delta variant sa Aklan.

-- Advertisement --

Patuloy namang nananawagan ang PHO at lokal na pamahalaan sa mga residente na sumunod sa health protocols at magpabakuna.

Noong Setyembre 12, nakapagtala rin ang Department of Health Western Visayas ng apat na kaso ng Beta variant, tatlong kaso ng Theta variant at isang kaso ng Alpha variant sa Aklan.