LAOAG CITY – Hanggang ngayon ay hindi pa nahahanap nag katawan ng limang taong gulang matapos malunod sa ilog sa Barangay Zamboanga dito sa lungsod ng Laoag.

Ayon kay Mr. Oriel Tejada, ang ama ng biktima at operator ng backhoe, habang nagtatrabaho at binigyan pa ng biscuit ang kanyang dalawang anak bago bumalik sa pinagkukunan ng asawa ng isang klase ng shellfish.

Paliwanag na na matapos magtrabaho ay pinuntahan umano nito ang kanyang mag-iina ngunit dito na nalaman na wala na pala ang biktima.

Dahil dito, agad siyang sumisid sa ilog ngunit dahil sa pagod sa trabaho ay hindi niya nahanap ang anak.

Base aniya sa mga kasama ng asawa na nasa ilog at kapatid ng biktima ay hindi nila namalayan kung saan napunta ang bata at wala rin umano silang narinig na hiyaw mula rito kung magpapatulong.

Sinabi nito na nag malalim na bahagi ng ilog ay ang kanyang hinukay habang nagatrabaho at dito napupunta ang agos ng ilog.

Samantala, itinigal muna ng grupo ni Dr. Melvin Manuel at iba pang rescue teams ang paghahanap at ipagpapatuloy ito alas-kwatro ng madaling araw bukas.