Umaabot na ngayon sa 48 mga NBA players ang natukoy na positibo sa COVID-19.
Ang naturang bilang ay mula sa pagitan ng November 24 hanggang November 30.
Ang data ay kumakatawan sa 8.8 positivity rate mula sa 546 na mga NBA players.
Batay sa patakaran ng liga ang sinumang nagpositibo sa deadly virus ay dapat isailalim kaagad sa isolation upang iwas sa deadly virus.
Ngayong araw simula na ng training workouts ng bawat players, bago ang preseason games December.
Una nang naglabas ang NBA ng health-and-safety protocol guide na kung sakaling merong player na magpositibo sa COVID kung saan kahit na ito ay asymtomatic ay kailangang mag-quarantine ng 10 araw.
Batay pa sa patakaran, kailangan din na dalawang beses na magnegatibo sa PCR test ang isang player.