Pormal ng nagbukas ngayong araw ang 46th ASEAN Summit 2025 dito sa Kuala Lumpur Malaysia.
Exacto alas-8:30 ng umaga kanina ng magsimulang magsidatingang ang mga leaders mula sa SOutheast Asian Nations.
Isa-isa silang sinalubong ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim sa ginanap na welcome ceremony na sinundan ng pagsisimula ng Plenary session kung saan dito ilalatag ang mga agenda na kanilang tatalakayin.
Kabilang sa mga tatalakayin ng ASEAN leaders ang mga regional at global challenges, kabilang ang developments sa South China Sea, sitwasyon sa Myanmar, maritime security, climate change, pabago-bagong takbo ng ekonomiya at digital disruption.
Una ng inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na kaniyang isusulong na bilisan ang negosasyon sa Code of Conduct sa West Philippine Sea South China Sea at ang ethical at responsible Artificial Intelligence (AI) regional framework.
Sa opening statement ni MAlaysian Prime Minister Anwar Ibrahim sa plenary session malugod nitong binati ang pagdalo ng mga ASEAN leader na patunay sa kanilang commitment.
Binigyang-diin ni Ibrahim ang kahalagahan ng ASEAN Summit para sa paglago pa ng rehiyon at ang pagiging resilience nito sa pagharap sa ibat ibang hamon.
Ikinasiya naman ni Ibrahim na ang ASEAN nations ay nagkakaisa.
Ipinagmalaki din ni Ibraim na sa unang pagkakataon magpulong ang ASEAN-GCC China Summit na layong palalimin at palawakin pa ang partnership ng sa gayon mapanatili ang multilateral system at masiguro ang ASEAN-GCC China geoeconomic model.
Inihayag ni Ibrahim na sumulat siya kay US President Donald Trump at hiniling nito na bumuo ng US -ASEAN meeting ito ay kasunod na ipinataw na taripa ng Amerika.