-- Advertisements --

Nagsagawa ng walkthrough ang Quiapo Church, PNP, MMDA, Philippine Army, DPWH, DOH, at iba pang ahensya nitong Martes upang masiguro ang kaligtasan ng mga deboto sa 2026 Traslacion ng Black Nazarene sa Enero 9. Nagsimula ang inspeksyon mula Quirino Grandstand papunta sa Quiapo Church.

Ayon sa techincal adviser ng TRaslacion, tiningnan nila ang mga posibleng panganib sa ruta tulad ng road works, mababang kable, sanga ng puno, at mga waiting sheds. Sinabi niya na karaniwang mabilis na inaaksyunan ng mga ahensya ang mga ito at inaasahan ang ilang pag-aayos sa loob ng isang linggo.

Kinumpirma ng simbahan na pareho pa rin ang ruta gaya ng nakaraang taon, at may improvements sa andas mula tatlong gulong portlift, naging apat na gulong para mas matibay.

Inaasahan ang mas malaking turnout sa 2026, ngunit ang pangunahing layunin, ay walang nasugatan o nasawi. Hinihimok din nila ang mga pulitiko na huwag gamitin ang prusisyon para sa sariling layuning pampulitika.

Noong nakaraang taon, 8.12 milyon ang nakilahok at tumagal ang prusisyon ng 20 oras at 45 minuto. (report by Bombo Jai)