Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na mananatiling vigilant at proactive sa paglaban sa online scams, lalo na sa panahon ng Pasko.
Ayon kay Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., lahat ng pulis ay inalerto upang protektahan ang publiko at agad na panagutin ang mga gumagawa ng online scams.
Batay sa PNP Anti-Cybercrime Group (ACG), mayroong 3,941 na mga kaso ng online scams ang naitala sa 2025, kumpara sa 7,081 kaso noong 2024.
Bagama’t mas mababa ang numerong naitala ngayong taon, binigyang-diin ni Nartatez na ang misyon ng PNP ay protektahan ang publiko at tiyakin na napapanagot ang mga perpetrator.
Pinayuhan din ng PNP chief ang publiko na maging maingat sa online transactions at huwag basta-basta maniwala sa nakikita sa internet.
















