-- Advertisements --

Naghain na ng counter-affidavit sa Department of Justice (DOJ) ang dating mga district engineer ng Department of Public Works and Highways kaugnay sa flood control anomaly sa Bulacan.

Kabilang sa naghain na sina Henry Alcantara, Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.

Gayundin, nagsumite na ng kaniyang counter-affidavit ang contractor ng Syms Construction na si Sally Santos.

Ayon kay Justice spokesman Polo Martinez, humiling ang iba pang respondent ng dagdag na oras para sa pagsumite ng kanilang counter-affidavit, na pinagbigyan naman ng panel hanggang sa araw ng Biyernes, Nobiyembre 28.

Magsasagawa ang DOJ ng preliminary investigation kaugnay sa mga reklamong graft at malversation kaugnay sa limang flood control projects sa naturang lalawigan.

Kung saan nakatakda ang prelim investigation sa Biyernes, matapos na maisumite para sa resolution pagkatapos maihain na ang natitirang mga counter-affidavit.