Dumiretso na kaagad sa Athletic Villages sa New Clark City sa Capas, Tarlac ang nasa 444 na Filipino na lulan ng cruise ship na MV Grand Princess na pinahinto sa California.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), pasado ala-1:00 ng madaling araw nitong Marso 16 ng lumapag ang sinakyan nilang eroplano sa Clark Airbase sa Pampanga.
Magtatagal ang mga ito ng 14-araw bilang bahagi ng quarantine procedures sa Athletes Village.
Binubuo ito ng 438 na crew members at anim na pasahero na pinayagang makaalis matapos na mabigyan ng health clearance.
Mula sa San Francisco umalis ang mga ito ng ala-9:00 ng gabito nitong nakalipas na Marso 14 at mahigpit silang sinala ng US Department of Health and Human Services.
Ang 13 Filipino naman na lulan din ng cruise ship na nagpositibo sa coronavirus ay inilagay na sa health facilities sa US at hindi pinayagang umuwi.
Nasa 91 Pinoy crewmen naman ang boluntaryong mananatili sa Grand Princess para mabantayan ang barko.
Magugunitang isang 71-anyos na lalaki ang namatay dahil sa COVID-19 na siyang unang kaso na namatay sa California habang ang nasabing barko ay nakadaong sa Oakland.