dolomite beach denr manila bay
-- Advertisements --

Mas mababa ngayon kumpara sa nakalipas na araw ang bilang ng mga bagong naitala sa Pilipinas na mga nahawa sa COVID-19.

Ito ay makaraang iulat ng Department of Health (DOH) ang 4,405 na karagdagang kaso ng coronavirus.

Kaugnay nito, ang mga kinapitan ng virus mula noong nakaraang taon sa bansa ay umaabot na sa 2,761,307.

Samantala mayroon namang naitalang 7,561 na mga bagong gumaling.

Ang kabuuang mga nakarekober sa COVID-19 sa bansa ay nasa 2,661,602.

-- Advertisement --

Sa kabila nito meron pa ring mga aktibong kaso na umaabot ngayon sa 57,763.

Ang naturang bilang na active cases ang pinakamababa mula noong July 29.

Habang meron namang 149 na mga bagong pumanaw.

Ang death toll sa Pilipinas ay umaabot na ngayon sa 41,942.

Mayroon namang limang mga laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

“Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 0.6% sa lahat ng samples na naitest at 1.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” bahagi pa ng advisory ng DOH. “Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 2.1% (57,763) ang aktibong kaso, 96.4% (2,661,602) na ang gumaling, at 1.52% (41,942) ang namatay.”