Balik sa mas mataas ngayon ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kumpara sa naitala nitong nakalipas Martes.

Ito ay makaraang iulat nitong Miyerkules ng Department of Health (DOH) ang 4,353 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon sa DOH nasa kabuuang 1,372,232 na ang mga COVID cases mula noong nakalipas na taon.

Samantala marami naman ngayon ang naitalang bagong mga gumaling na umaabot sa 7,139.

Ang kabuuang mga gumaling na sa bansa ay nasa 1,298,442 na.

Sa kabilang dako meron namang panibagong mga namatay na umaabot sa 119 dahil pa rin sa deadly virus.

Ang death toll ngayon sa bansa ay umakyat pa sa 23,928.

Meron namang mga aktibong kaso o mga pasyenteng nagpapagaling pa sa buong bansa na bahagyang bumaba ang bilang sa 49,862.

Kinumpirma rin naman ng DOH na may anim na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

“15 duplicates were removed from the total case count. Of these, 12 are recoveries. Moreover, 74 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation,” bahagi pa ng statement ng DOH. “All labs were operational on June 21, 2021 while 6 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 6 non-reporting labs contribute, on average, 3.2% of samples tested and 4.5% of positive individuals.”