national youth day 2019 cebu NYD
National Youth Day 2019 (NYD) opening mass in Cebu

CEBU CITY РMistulang hindi mahulugang karayom ang Basilica Minore Del Sto Ni̱o de Cebu sa opening mass ng National Youth Day 2019 (NYD) .

Tinatayang umaabot sa 40,000 ang sumali sa foot procession at opening mass ng NYD na isinagawa sa Cebu kahapon.

Kasama sa nasabing bilang ang mga pari, madre at mga volunteer groups na nanggaling pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sinimulan ang foot procession alas-6:00 kagabi patungo sa nasabing simbahan at natapos na ng pasado alas-10:00 ng gabi kung saan nasaksihan din ng libu-libong mga pilgrims ang tradisyunal na Sinulog Dance.

Nabatid na humigit kumulang sa 12,000 kabataang Pilipino ang kalahok sa National Youth Day kung saan magsasagawa ito ng mga aktibidad simula ngayong araw hanggang sa Abril 28.

-- Advertisement --