Qasem Soleimani
Qasem Soleimani

Umaabot na sa 56 katao ang patay, habang nasa 213 ang sugatan dahil sa stampede na naganap sa kasagsagan ng pagpapalibing sa napatay na Iranian general Qasem Soleimani sa kaniyang bayan sa Kerman.

Ang naturang bilang ng mga casualties ay nagmula naman sa ulat ng Iranian media.

-- Advertisement --

Samantala, dahil sa pangyayari hindi na muna itinuloy ang paglilibing kay Soleimani.

Sa pagtaya ng mga otoridad, hindi bababa sa isang milyong katao ang dumalo sa libing sa napaslang na Iranian military official.

Hindi rin maitago ng mga dumalo sa libing ang galit nila sa US kung saan hangad nila ang pagganti dahil sa pagpatay sa itinuturing nilang bayani ng kanilang bansa.

Magugunitang napatay ng US sa pamamagitang ng drone attack si Soleimani matapos na makakuha ng impormasyon ng mga tangkang pag-atake sa ilang installation ng US.