-- Advertisements --

Inamin ng Department Interior and Local Government na mayruong 40 na mga menor de edad ang kabilang sa nahuli sa nangyaring mendiola rally nuong sept. 21,2025

Itoy matapos tanungin ni AKbayan Partylist Rep. Perci Cendana kung totoong may nahuling mga menor de edad. 

GInawa ni Cendana ang pagtatanong sa budget deliberation ng DILG sa plenaryo ng Kamara ngayong araw.

Siniguro naman ng budget sponsor ng DILG na si Rep. Arnie Fuentebella na kasalukuyang nasa pangangalaga ng DSWD ang mga nasabing menor de edad.

Pagtiyak din ng DILG kay Rep. Cendana na mayruong full access ang mga magulang o guardians ng mga nasabing minors.

Inihayag ni Cendana na patuloy nilang imonitor ang kalagayan ng 40 na mga nahuling menor de edad.

Samantala, kinumpirma din ng DILG na may inilabas silang memorandum circular 

 na pinapatigil na ang oplan tokhang.

Pagtiyak ng DILG na bawal na ngayon mangatok ng bahay kapag walang warrant of arrest na bitbit ang mga otoridad.

Patuloy din ang ginagawang case build up ng PNP para duon mga indibidwal na sangkot sa illegal drug trade.

Upang mapanatili ang transparency sa ikinakasang operasyon ng PNP target ng DILG makabili ng nasa 40 tawsan na body camera na nagkakahalaga ng P1.3 billion.

Pero paliwanag ni Fuentebella dahil sa fiscal space makakabili lamang ang PNP ng nasa 10,000 body camera.

Dahil dito suportado ni Cendana ang budget ng DILG.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang DILG ay humihiling ng ₱287.5 bilyon para sa 2026, na may ₱8.4 bilyong dagdag mula sa nakaraang taon. 

Ang panukalang budget ng DILG ang ikalima sa may pinakamataas na alokasyon sa ilalim ng P6.793 trilyong pambansang budget.