-- Advertisements --

Patay ang apat na miymbro ng Philippine Army matapos na sila ay ma-ambush sa Maguindanao del Norte.

Ayon sa 6th Infantry Division na ang mga biktima ay napatay habang lulan ng isang civilian vehicle at pabalik na sila sa patrol base sa Tuayan 1, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur dakong alas-10 ng umaga.

Ang mga biktima aniya ay katatapos lamang bumili ng mga pagkain para sa Iftar na ipapamahagi sa Muslim community sa kanilang lugar.

Kadalasan nila itong ginagawa tuwing panahon ng Ramadan.

Ang mga nasawi ay kinilala bilang sina: Pvt. Marvin Dumaguing, Pvt. Jessie James Corpuz, Pfc. Carl Araña at Cpl. Creszaldy Espertero.

Sinabi ni 6th Infantry Division commander Major General Alex Rillera na kanilang mahigpit na kinokondina ang pangyayari lalo na at naganap ang insidente ngayong panahon ng Ramadan.

Dahil sa pangyayari ay hinigpitan ng mga sundalo ang seguridad sa lugar.