-- Advertisements --
Nanawagan ang People for the Ethical Treatment of Animals Asia o PETA sa mga pet owners na huwag hayaan ang kanilang mga alagang hayop tuwing lilikas kapag may kalamidad.
Binigyang diin ng grupo na kasama dapat sa disaster preparedness ng bawat pamilya ang kanilang mga alagang hayop.
Sa sandali aniyang kailanganin ang paglikas, isama ang kanilang mga alagang hayop sa mga evacuation areas.
Wala aniyang laban ang mga hayop sa mga pagbaha at mga bumabagsak na debris tuwing may kalamidad.
Mas mainam rin na huwag ikulong i itali pata mabilis silang makakatakas sa panganib.
Bukod dito ay pinayuhan rin ng grupo ang publiko na maging vigilant at magbigay ng awa sa mga hayop na gala at mga inabandunang hayop sa kanilang komunidad.