Pumalo na sa 4 na katao ang patay sa naganap na magnitude 7.5 na lindol sa Oaxaca, Mexico.

Naramdaman ang nasabing pagyanig sa mga kalapit na lugar ng Oaxaca kaya napilitan ang mga residente doon na lumikas.

Pinawi naman ng mga otoridad na walang anumang naitalang matinding pinsala mga gusali ang nasabing lindol.

Sinabi naman ni President Andrés Manuel López Obrador na mula pa noong Lunes ay nakapagtala na ng US Geological Survey ng 4.9 magnitude na lindol at mula noong Martes ng gabi ay nakadama na sila ng 147 na mga aftershocks.