Taiwan Train
-- Advertisements --

HUALIEN COUNTY, Taiwan – Umakyat na sa 51 ang naitalang nasawi sa pagkadiskaril ng isang train sa Taiwan.

Maliban sa mga namatay, mayroon pang mahigit 70 nasugatan sa pangyayari.

Ayon sa rescuers, sumiksik sa gilid ng tunnel ang train kasunod ng pagbangga sa isang nakaparadang truck.

Bumabiyahe ito sa Taipei – Taitung route, kung saan 490 pasahero ang lulan nang mangyari ang trahedya.

Nabatid na karamihan sa kanila ay turista at naghahabol sa long weekend. (Reuters/AFP)

-- Advertisement --