Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na Nigerian dahil sa pagbili ng mga bank account para magamit sa modus.

Sinabi ni NBI Cybercrime Division Jeremy Lotoc, na aalukin nila ang isang indibidwal para bilihin ang kanilang mga bank account.

Kinokopya aniya nila ang mga bank account at gagamitin nila ito sa online consumption.

Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa mga naaarestong suspek.