Nakakulong na ngayon ang apat na miyembro ng pamilya matapos na sila ay maaresto dahil sa iligal na droga sa lungsod ng Makati.

Ayon kay Makati City chief Rogelio Simon, kinabibilangan ito ng mag-asawa, anak nila at tiyuhin.

Nakuha sa mga dito ang 53 sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P26,000.

Mariing itinanggi naman ng mga naarestong suspek at sinabing handa silang sumailalim sa drug test.