-- Advertisements --
Umaabot na sa 16 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa polio sa Pilipinas, mula nang ma-detect ito noong 2019.
Ayon sa Department of Health (DoH), nakapagtala ng panibagong kaso ng polio sa Quezon City, Sultan Kudarat at Maguindanao.
Nasa edad na dalawa hanggang tatlong taong gulang ang mga batang nagpositibo sa nasabing sakit.
Kaugnay nito, muling hinimok ni Health Sec. Francisco Duque III ang mga magulang ng mga bata na makiisa sa Sabayang Patak Kontra Polio (SPKP) program ng kanilang ahensya.