Ibinunyag ng Bureau of Immigration (BI) na apat sa 16 na personalidad na may kinakaharap na warrant of arrest dahil sa pagkakasangkot sa korapsyong bumabalot sa ilang flood control project.
Batay sa report na inilabas ng BI, nagtungo sa Singapore si dating Cong. Elizaldy Co mula Agosto 6. Mula noon ay natunton ng mga otoridad ang pagtungo ng dating mambabatas sa iba’t-ibang bansa hanggang Japan.
Natukoy din ng BI na nasa Qatar ang dating Department of Public Works and Highways (DPWH) official na si Montrexis Tamayo mula Nobyembre 15.
Ang naturang kumpaniya ay ang pangunahing ikinokonekta kay Co at isa sa mga kumpaniyang nakakuha ng malalaking kontrata sa gobiyerno para sa pagtatayo ng ilang flood control project.
Natunton naman si Sunwest treasurer Cesar Buenaventura na nasa United Arab Emirates (UAE) mula pa noong Oktubre-2.
Ayon sa ahensiya, naka-flag na sila sa BI system, habang nakahanda rin ang mga tauhan nito sa lahat ng paliparan at pantalan para matiyak ang agarang pagdakip sakaling bumalik sa bansa ang apat na nabanggit na personalidad.
Ang grupo nina Co ang unang batch ng mga personalidad na sangkot sa flood control scandal na mayroong warrant of arrest.















