-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagsilikas ang mga sibilyan sa engkwentro ng militar at mga terorista sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy na nakatanggap sila ng impormasyon sa presensya ng Dawlah Islamiya Terror Group ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa SPMS Box.

Plano umano ng mga terorista na salakayin ang Joint Peace and Security Team (JPST) outpost ng militar,PNP at MILF sa Barangay Kitango Datu Saudi Ampatuan Maguindanao.

Sinabi ni Ist Mechanized Brigade Commander Colonel Pedro Balisi na agad silang nagresponde at nakasagupa ang tinatayang tatlompung BIFF.

Dahil sa tindi nang bakbakan sa magkabilang panig ay lumikas ang mga sibilyan patungo sa mga ligtas na lugar.

-- Advertisement --

May ilang mga bakwit ang nagkomperma na apat umano sa BIFF ang nasawi at marami ang nasugatan nang tamaan nang mortar fires ng mga sundalo.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang combat clearing operation ng Joint Task Force Central laban sa BIFF sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan Maguindanao.