MANILA – Sa ikatlong sunod na araw, nag-ulat ang Department of Health (DOH) ng mahigit 7,000 bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Ngayong araw ng Linggo, March 21, iniulat ng DOH ang 7,757 na bagong kaso ng sakit kaya naman sumirit pa sa 663,794 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.
“2 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on March 20, 2021.”
Batay sa datos ng ahensya, nasa 14.8% ang positivity rate o bilang ng mga nagpositibo mula sa populasyong nagpa-test sa COVID-19 kahapon.
Katumbas nito ang 4,891 na indibidwal mula sa 33,110 na sumailalim sa coronavirus test.
Samantala, nabawasan naman ang mahigit 80,000 active cases kahapon dahil sa time-based tagging na “Oplan Recovery” ng DOH. Sa ngayon nasa 73,072 ang bilang ng mga nagpapagaling.
Mula sa kanila, 95% ang mild cases; 2.3% asymptomatic; 1.1% severe, 1% critical, at 0.58% moderate case.
BREAKING: DOH continues to report more than 7,000 new cases of COVID-19 (3rd straight day). Total increases to 663,794.
— Christian Yosores (@chrisyosores) March 21, 2021
Active cases decreases to 73K. Two labs weren’t able to submit their data yesterday. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/PADOSfGpUs
Dahil sa time-based tagging, lumobo sa 15,288 ang bilang ng bagong gumaling. Ang total recoveries ay nasa 577,754 na.
Habang 39 ang bagong naitalang namatay para sa 12,986 total deaths.
“19 duplicates were removed from the total case count. Of these, 16 are recoveries and 1 is a death. Moreover, 2 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”