-- Advertisements --

Aabot sa 314 empleyado ng Taguig LGU ang nagpositibo sa random drug test at agad na sinibak sa serbisyo.

Sa parehong panahon ay aabot sa 169 aplikante ang bumagsak sa pre-employment drug test at hindi pinayagang makapasok sa city hall.

Kaugnay nito ay mahigpit rin ang koordinasyon ng Philippine National Police at lokal na pamahalaan ng taguig para sa pagpapatupad ng mga operasyon laban sa ilegal na droga.

Ayon kay Taguig Mayor Lani Cayetano, layon nito na tuluyang mapuksa ang droga sa lungsod na maaaring makasira sa kinabukasan ng mga kabataan.

Kasabay nito ay muling binalaan ng alkalde ang mga kriminal na walang puwang sa Taguig ang kanilang mga ilegal na gawin gayon din ang ilegal na sugal.

Nakatanggap naman ng papuri sa alkalde ang PNP partikular na ang Taguig City Police , dahil sa walang sawa nitong pagsasagawa ng mga anti-illegal drug operation na nagresulta sa pagkumpiska ng milyon-milyong halaga ng ilegal na droga.

Patuloy rin na ipinatutupad ng Taguig Anti-Drug Abuse Office (TADAO) ang masusing drug testing sa mga kasalukuyan nitong empleyado at aplikante sa trabaho.

Hinimok ng alkalde ang publiko na ireport agad sa mga awtoridad ang anumang aktibidad na may kaugnayan sa ilegal na droga at sugal sa lungsod.