-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi pagkaitan ng Simbahang Katolika ng kapatawaran ang babeng video vlogger na nasa likod ng umano’y pagdura sa ‘holy water font’ ng San Juan Bautista Church sa bayan ng Jimenez,Misamis Occidental.

Ito’y sa kondisyon na mabatid ng Archdiocese of Ozamiz na pinamunuan ni Archbishop Martin Jumoad,D.D na taus-puso nang pinagsisihan ni Christine Medalla ay kanyang ginawa sa bahagi ng simbahan na itinuring na banal ng katuruang Katolika at pinahalagahan ng mga mananampalataya.

Sinabi ni Jumoad na pangunahing layunin ng simbahan ay ang pagligtas ng mga kaluluwa o “Salus Animarum ‘ ng salitang Latin kaya hindi nila pagkaitan ng pagkatataon ang vlogger kung mataimtim na itong nagsisi sa pangyayari.

Kung maalala,napilitan ang arsobispo na ipasara ang simbahan dahil sa sinapit na paglapastangan na yumanig sa paniniwala ng mga debotong Kristiyanismong-Katoliko sa probinsya.

Una rito, tumungo si Medalla sa tanggapan ni Reverend Father Rolly Lagada,kura paroko ng San Juan Bautista Church para magpaliwanag at makuha ang kapatawaran subalit wala pang ibinigay na tugon habang wala pang desisyon ang board of consultors ng arkidiyosisis patungkol sa nasabing usapin.