Nagrank 2 ang isang Cebuano sa inilabas na resulta ng August 2025 Guidance Counselors Computer-Based Licensure Exam.
Si Darius Kenny Sasan, isang 26-anyos mula sa Talamban Cebu City at nagtapos sa Cebu Normal University ay nakakuha ng 88.85% rating.
Sa isang eksklusibong panayam ng Star FM Cebu, inilarawan ni Kenny na ‘super overwhelming’ at hindi niya talaga inasahan na magrank 2 sa nasabing exam.
Nung pumasok pa umano siya sa testing room ay target niyang magta-top at sinabi sa sarili na pinaghirapan niya ito kaya dapat magbunga ang kanyang mga pagsisikap.
Ngunit tila dismayado naman ito paglabas ng testing room at nakaramdam ng pagkatalo dahil sa maraming mga concept umano ang hindi lumabas.
“𝘗𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘳𝘦𝘧𝘭𝘦𝘤𝘵 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘳𝘥𝘸𝘰𝘳𝘬 𝘬𝘰 𝘬𝘦𝘴𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘪𝘯𝘥. 𝘠𝘶𝘯𝘨 𝘮𝘪𝘯𝘥 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘪𝘴 𝘷𝘦𝘳𝘺 𝘥𝘦𝘧𝘦𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘰𝘮𝘦𝘵𝘪𝘮𝘦𝘴, 𝘵𝘦𝘭𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘺𝘰𝘶 𝘯𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪. 𝘗𝘦𝘳𝘰 ‘𝘱𝘢𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘦𝘷𝘦𝘳𝘢𝘯𝘤𝘦 𝘬𝘢 𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘮𝘰 𝘯𝘢 𝘺𝘰𝘶 𝘥𝘪𝘥 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘩𝘢𝘳𝘥 𝘸𝘰𝘳𝘬, 𝘢𝘭𝘭 𝘰𝘧 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘦𝘹𝘱𝘦𝘤𝘵𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘣𝘦 𝘧𝘳𝘶𝘪𝘵𝘧𝘶𝘭,” saad pa ni Kenny.
Aniya, isa sa mga naging inspirasyon nito para makamit ang ‘goals’ sa buhay bukod sa sarili nito ay ang kanyang pamilya at ang mga kabataan na dumaranas ng mental health struggles.
Kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng guidance at counseling dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng mental health issues sa bansa.
Nais pa umano nitong maging isang gabay sa kanila, hindi lamang bilang isang counselor kundi bilang isang kaibigan na handang makinig at magbigay ng suporta.
“𝘜𝘴𝘶𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘴𝘢 𝘤𝘰𝘶𝘯𝘴𝘦𝘭𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘧𝘧𝘪𝘤𝘦, 𝘯𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘬𝘰𝘵 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘵𝘢. 𝘕𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯, 𝘸𝘦 𝘸𝘢𝘯𝘵 𝘵𝘰 𝘴𝘦𝘱𝘢𝘳𝘢𝘵𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘴𝘵𝘦𝘳𝘦𝘰𝘵𝘺𝘱𝘦 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘤𝘰𝘶𝘯𝘴𝘦𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘧𝘧𝘪𝘤𝘦 𝘯𝘰𝘸 𝘪𝘴 𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘬𝘦 𝘴𝘶𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘳𝘦 𝘧𝘦𝘦𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘦𝘭𝘤𝘰𝘮𝘦. 𝘚𝘰𝘮𝘦𝘵𝘪𝘮𝘦𝘴, 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘩𝘰𝘮𝘦 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘵𝘢, 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 ‘𝘩𝘰𝘮𝘦’ 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢. 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘸𝘦 𝘸𝘢𝘯𝘵 𝘴𝘰𝘮𝘦𝘰𝘯𝘦 𝘪𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘰𝘧𝘧𝘪𝘤𝘦 – 𝘴𝘰𝘮𝘦𝘰𝘯𝘦 𝘵𝘰 𝘨𝘪𝘷𝘦 𝘵𝘩𝘦𝘮 𝘩𝘰𝘮𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘭𝘪𝘴𝘵𝘦𝘯 𝘵𝘰 𝘵𝘩𝘦𝘮,” dagdag pa nito.
Samantala, ibinahagi naman nito na sa kabila pa ng abalang iskedyul, dalawang buwan lamang ang inilaan niya upang mag-aral para sa naturang exam.
Malaking hamon pa umano ang pagkakaroon ng limitadong oras upang maghanda, kaya’t nag-focus siya sa mga review drills at laging ipinagdarasal ang tagumpay.
Aniya, minsan, nakakatalo ang isip dahil nagsasabi ng “hindi,” pero kapag may tiyaga at alam mo sa sariling pinaghirapan mo, lahat ng inaasahan pa ay magiging matagumpay.
Sa ngayon aniya ay hindi pa nito alam kung ano ang susunod niyang gagawin matapos ang nakamit, ngunit kasalukuyan itong nagtatrabaho pa rin siya sa Sacred Heart school – Ateneo de Cebu at kung ano ang hinaharap ay ginagawa niya itong ‘one step at a time.’
Mensahe naman niya sa lahat ng magtake ng board exam na magkaroon ng review drills, magdasal, magkaroon ng magandang support system, at kailangan ng company at gawing masaya ang exam.