Reading Time: 1 minute

Inamin ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na may tatlo pa sana silang ihaharap na testigo para sa hearing ukol sa mga katiwalian sa Bureau of Corrections (BuCoR), ngunit umatras ang mga ito.

Ayon kay Sotto, natakot ang mga ito na ituloy ang pagbibigay ng testimonya dahil sa nangyaring pananaksak sa isang prison guard.

Ang biktima ng stabbing incident ay kaanak ng isa sa mga tauhan ng Senate sergeant at arms.

Inaalam na kung anong tunay na sanhi ng pananaksak, lalo’t nagsalita pa raw ang salarin na papatayin niya ang prison guard.

Nais ngayon ng mga senador na magkaroon ng malalimang imbestigasyon sa kaso, kahit sa inisyal na ulat ay binabanggit na may sakit sa pag-iisip ang inmate na sangkot sa pangyayari.